Ayos Lang.. Agos Lang..
"minsan lang darating ang bola sa inyo, pero bawat dating nito crucial sa laro"
- Mr. Salamat
kahit isang simpleng paalala lang yan na nagmula sa aming Softball instructor, naiwan na yang nakatanim lagi sa isip ko.
Maraming mga bagay sa buhay natin ang minsan lang dumadating at pag pinalagpas mo ito, maaring habang buhay mong pagsisihan na wala ka man lang nagawa nung dumating ito. Hindi mo makalimutan ang pakiramdam at lagi mong pinagsisisihan ang mga nangyari.
"i'd rather live a life full of mistakes than live a life full of regrets"
-Boy Abunda
Aaminin ko, oo kahit ako gusto ko ganyan ang maging takbo ng buhay ko. Pero mahirap mangyari yun e. Madami-dami na rin nangyari sa buhay ko at madami ng bagay na napaglapas ko. Madaming bagay na kapag naiisip ko ulit ngayon, nasasabing kong "sayang! dapat ganito pala ginawa ko." Ang mas nakakapanghinayang pa dun, karamihan sa mga lumagpas na pagkakataon na yun ay mga napakahalagang bagay. Mga bagay na kung pinagisipan lang ng mabuti, sana ay naging kumpleto na ang buhay ko sa ngayon. Ang hirap ng pakiramdam na mayroon kang bagay na pinanghihinayangan. Gusto kong bumalik sa panahon na yon pero alam naman nating lahat na imposible pa yon.
Sabi nga sa librong A Purpose Driven Life, "Your past is past. Those who have hurt you in the past cannot continue to hurt you now unless you keep on holding to it with resentment. For your own sake, learn from it then let it go."
Oo nagkakamali tayong lahat. Gusto natin bumalik sa oras para itama ang mga pagkakamaling iyon. Hindi natin makalimutan ang mga ganung pangyayari at hindi na rin naiiwasan na masaktan tayo habang iniisip ang mga mapait na kinalabasan nito. Pero kahit ano pang pagsisisi at pagmukmok ang gawin natin, hindi nun maibabalik pa ang katotohanan na wala na ito, tapos na ito at mananatili na lang itong isang masamang pangyayari sa ating alala.
Isang malaking pagkakamali ang mamuhay sa nakaraan. Hindi natatapos ang yugto ng buhay sa mga pagkakamaling nagawa natin. Laging may bukas na nakahanda para bumawi. Mas natututo tayo at mas nagiging matatag dahil sa ibinunga ng ating nakaraan.
Kaya tayo nagkakamali sa nakaraan para hindi na muling magkamali sa kasalukuyan.

1 Comments:
Lupit mo tol. My hats off sa'yo.
Post a Comment
<< Home