Sunday, September 10, 2006

Sa Kabilugan ng Buwan...

dumating ang isang di inaasahang pagkakataon
araw ay sumikat muli sa dapit hapon
mundo'y lumiwanag sa kadiliman ng takip silim
kasiyaha'y pilit na lang inilihim

sandaling binuhay ang mga ngiti
tinanggal panandalian ang damdaming sawi
wala nang iba pang inaasahan
huwag na sana muling masugatan

dinala sa langit ng tuwa at galak
nabaliw na parang lango sa alak
araw-araw bakas sa mukha ang tuwa
luha'y tuluyang natigil sa pagbaha

muling umikot ang mundong ginagalawan
kung saan buhay ay nabigyan ng dahilan
sa panginoon lubos ang naging pasasalamat
wala ng mahihiling pa kung nabigay na ang lahat

sa isip ay hindi man lang sumaglit
kaligayahan ay muli pang mawawaglit
wala sa hinagap na sa huli'y magiging ganito
anong nangyari sa sumpaang inukit pa sa bato

sa higpit ng bigkis na ipinantali sa mga kamay
hindi naiwasan na ang puso'y unti unting maumay
pilit na hinanapan agad ng mabilisang lunas
umaasa pa rin sa darating na magandang bukas

natigil sa isang iglap ang tawagan
natapos na lang ng walang paliwanagan
ibig man hanapin sa may dalandanan
wala namang tiyak ang kahihinatnan

hinding hindi nawala ang imahe sa isipan
bawat minuto umaasang mukha'y masulyapan
kahit saan na ang atensyon ay ilaan
ala-ala ng nakaraan pa rin ang nagsisilabasan

sana'y bumalik ang dating kasiyahan
sa piling mo lang ito tanging naranasan
kung muli man magkita pa sa hinaharap
hindi sana ako nawala sa iyong mga pangarap

ito sana'y iyong nababasa
upang ang mensahe'y madama
muling pagbabalik mo sana ay sumapit na
alam kong di mo ko nakakalimutan, sana...

2 Comments:

Blogger keishahsiek said...

hahaha! best actor! peace

September 11, 2006 3:59 PM  
Blogger xiver said...

loko true story to! ahahahhah bleh!~

October 03, 2006 8:07 AM  

Post a Comment

<< Home