Where is the LOVE???
"Nanalo ang UST Growling Tigers laban sa UE Red Warriors at sila ay nakausad sa finals at makakalaban ang ATENEO Blue Eagles para sa championship ng UAAP Men's Basketball Season 69."
Oo totoo yan! Kung hindi ka man makapaniwala, wag kang magalala dahil hindi ka nagiisa, marami kayo. Kayo? oo kayo, dahil di naman ako kasama e.
Hindi naman ako nawalan ng pagasa para sa Tigers. Nung nagsimula ang season 69, nakita kong maganda ang nilalaro ng ating koponan. Nalugmok ito ng kaunti sa gitna ng season, dito pa lang marami na ang nawalan ng tiwala sa kakayahan ng koponan na makapasok sa final four. Pero nagawa nitong bumangon sa apat na sunod sunod na pagkatalo para makakuha ng isang pwesto sa final four, marami ang nagsabi chamba na lang to. At mas marami ang pumusta na hanggang dito na lang ang mararating nito. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pagdududa at kawalan ng tiwala ng maraming tomasino, nagawang makapasok ng Growling Tigers sa finals. Ito ay matapos talunin ang Red Warriors na may twice-to-beat advantage pa. Oo nkakagulat! Lahat hindi makapaniwala pa rin sa mga nangyayari.
Ang dahilan lang naman talaga ng mga pinagsasabi ko ngayon ay dahil hindi ko na nagustuhan ang mga narinig ko sa loob ng UST, partikular na sa loob ng aming klasrum. Siguro balewala lang sakin kung wala kang tiwala sa kakayahan ng koponan ng UST, opinyon mo yun e at sino ba naman ang nagaakalang maabot nga talaga ito. Pero ang ikinasasama lang talaga ng loob ko ay ang mga narinig kong paninira at mga hindi magagandang balita na kumakalat. At ang mas ikinasama pa ng loob ko, kapwa tomasino ko pa ang may kapal ng mukha na ipagsigawan at ipagyabang ang mga ito sa buong klase.
Ayon kasi sa kanya, kaya DAW nabigyan ng disciplinary action at kaya DAW hindi nakapaglaro ang star player ng UE na si Bonbon Custudio ay dahil binayaran DAW ng UST si Custudio para ipatalo ang laro. Nang malaman DAW ito ng UE management, binigyan ng sanction ang nasabing manlalaro at hindi nga pinaglaro sa do-or-die match ng UST at UE. Ito DAW ang ginawang pandaraya ng UST.
At saan mo naman kaya nakuha yang balitang yan? Gawa lang ng isip mo? ahh, alam ko na. Nung game 1 kasi ang dame turnovers lagi ni Custudio at ang iba dun crucial talaga. Nagmukha bang pinapatalo ni Custudio ang laro? Dun mo ba na-base ang mga pinagsasabi mo? tsk tsk.. kung nanonood ka lang talaga ng UAAP regularly malalaman mo na kagaguhan lang yang pinagsasabi mo. Dati ng problema ng UE ang turnovers na nagagawa ni Custodio. Alam na ng buong liga na malakas talaga sa turnover yang si Custudio. Kaya kung yun man ang pinagbasehan mo, ewan ko sayo.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ang mga pinagsasabi nya ang ikinagagalit ko. Naiinis ako kasi kapwa ko pa tomasino ang nagsasabi sakin nun. Imbis na ipagtanggol ang school mo, ikaw pa mismo naninira dito. Totoo nga talaga ang sinabe sa huling issue ng Varsitarian. Unti-unti na nga talagang nawawala ang school spirit sa mga tomasino.
Nagagalit ako dahil parte din ako ng institusyon na sinisiraan nya at parte din sya nito! Kung ano man ang ikasisira ng UST, ikasisira ko rin dahil tga-UST ako e. Tomasino ka pa naman?! asan ang pagmamahal mo sa sarili mong eskwelahan?
Dito naisip ko tuloy ang mga Lasalista. Hindi ako fan ng LaSalle at lalong mas malaki ang galit ko sa mga mayayabang na Lasalista na walang alam gawin kung hindi ang pagyabang na Lasalista sila. Pero kung titignan mo, mabuti pa sila malaki ang paniniwala sa school nila. Kahit anong anumalya man ang pinagdaanan nito, handa pa rin silang ipagtanggol ito sa kahit kanino man. Subukan mong magtanong sa mga Lasalista, sigurado ko pagyayabangan ka nila ng mga tungkol sa eskwelahan nila. Yun ay dahil mahal nila ang school nila. Nakakabilib diba?
Maliit na bagay lang ba talaga ang dahilan ng galit ko? o baka talaga namang malaking bagay ito na hindi man lang nabibigyan ng kahit maliit na atensyon. Hindi lang naman ito personal na isyu tungkol sa nangyayari sa isang sulok ng Pilipinas. Kung titignan mo ding mabuti, ganito naman talaga ang nangyayari sa Pilipinas. Kapwa pa Pilipino ang naninira sa bansa nya.
Nagkataon pa naman, kaka-discuss ko lang sa buong klase ang tula ni Bonifacio na "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" kaya heto at sariwa pa sa utak ko ang pagiging makabayan. Sabi sa isang stanza nito, kung ang bayan mo ay niyuyurakan at nilalapastangan, manood ka na lang ba at hindi ka ba kikilos para ipagtanggol ito?
Maihahalintulad mo na rin naman yun sa isang pamilya, kung may mga umaaway ba sa isang miyembro ng pamilya nyo, wala ka bang gagawin at tutunganga na lang habang nangyayari to? Isa pang halimbawa, sa barkada niyo. Kung may nasasabi bang hindi maganda sa isang kabarkada mo, pakikinggan mo na lang ba at hindi mo ba ipagtatanggol sa iba?
Ang punto ko lang, eskwelahan mo yun. Istudyante ka nito. Bahagi ka nito. Kung ano man ang paninirang gawin mo dito, sayo rin babalik lahat. Malaki lang talaga ang galit ko sa mga taong wala man lang pagpapahalaga sa salitang "LOYALTY" o "KATAPATAN" sa tagalog.
Kung mabasa mo man to, matauhan ka na sana. Nakakahiya kasi e. Madami na ang traydor sa sarili nilang bayan, kaya wag ka ng makidagdag pa sa listahan.

2 Comments:
Tol, idol talaga kita!!! Pwera biro, seryoso. mabaog man ako. Sana nga mabasa nya. Kapwa tomasino pa naman natin. Tsk, tsk, tsk... Kilala ko pre. Siya yung unang nagsabi non. Mas idol kita dun. Itago natin sa pangalang "XELOB". Gets mo ba? Parang Xiver lang. Hehe. Tol, tanggap ko pagkakamali ko sa blog ko. Sori na. Tignan mo ulit yung blog ko. Review ng GAME 1.
pare champion na!! ahahahah sori tlga sa mga walang paniniwla!! napahiya kyo e.. well... gnyan tlga buhay.. hehe
Post a Comment
<< Home