Monday, February 05, 2007

habang tumatagal, padami lang ng padami tanong ko e. wla namang nasasagot. ewan ko nga ba. hindi ko na alam ano ba ang dapat at ano nga ba ang gusto ko. gusto kong iiyak lahat, pero anong magagawa ko, ayaw na tumulo e. tawa ko ng tawa. napakadaldal ko parang walang nangyari. itinuloy ko pa din ung pagaaral sa calculus kahit alam kong utak ko gulong gulo na at hindi ko na mafocus sa kahit anong bagay. mali ba ako dahil gusto kong itago na lang bigat ng nararamdaman ko? mali ba ako dahil kinikimkim ko na lang lahat ng sakit? ano naman maitutulong kung ipapakita ko sa lahat ng tao kung gaano ako kalungkot at nasasaktan? mali ba yun? mali bang maging manhid na lang sa lahat ng sakit? mali bang masanay ng nasasaktan lage? kailangan bang magpakabadtrip na lang ako buong araw at magpakadepressed para lang maipakita ko gaano ako nasaktan at gaano kita kamahal? hindi ko na alam kung ano pa iisipin. hindi ko na alam ano pa ba ang gagawin. walang madali. walang shortcut. lahat mahirap. lahat masakit. kailangan sa lahat ng bagay may karapatan ka. wala nga ba akong karapatang masaktan at umiyak? wala nga ba akong karapatang sabihin na mahal kita? na mahal na mahal kita talaga? sa sobrang sakit, hindi ko na magawang umiyak. sa sobrang sakit, wala akong masagot na tanong. hindi ko na alam kung ano nga ba mas makakabuti pa satin dalawa? pareho lang tayong nasaktan. pareho lang tayong nahihirapan. wag ka munang mawawala. wag mo muna kong iwan ng ganito. wag ka ng makonsensya at wag ka na din maguilty sa kahit ano. pero sana, wag mo din isipan na balewala lang sakin lahat ng to. na parang wala lang sakin ang lahat ng nangyayaring to. dahil yun ang pinaka imposibleng mangyari. kahit kelan hindi kita binalewala at lalong hinding hindi ko yun gagawin ngayon. ngayon di ko na alam kung san direksyon pa ba ako patungo. wala na akong mapuntahan. naiwan ako magisa e. nabibingi na ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home